Covid medical equipment tinanggap ng Zamboanga City mula sa USAID
Natanggap na ng Zamboanga City ang ilang medical equipment mula sa United States Agency for International Development (USAID) na makatutulong sa pagtugon at paglaban sa COVID-19.
Ang turnover ng Covid assistance ay pinangunahan ni U.S. Embassy in the Philippines Chargé d’Affaires ad interim Heather Variava sa pagbisita nito sa lungsod.
Ang mga equipment ay para sa molecular testing center sa Barangay San Roque sa Zamboanga City.
Sa mga nakaraan ay nagdeploy din ang USAID ng mobile vaccination teams kabilang ang mga medical technicians at IT staff.
Gayundin ng mga consultants sa major vaccination sites para tumulong sa encoding at reporting sa lungsod.
Tinyak din ni Variava sa Zamboanga LGU ang suporta at committment ng US sa security cooperation sa lugar.
Moira Encina