COVID positivity rates sa ilang lalawigan tuloy sa pagtaas – OCTA
Pumalo na sa 25.4% ang 7-day COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) na naitala noong May 13, 2023.
Sa monitoring ni OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David mas mataas ito sa 22.7% na naitala noong my 6, 2023.
Kinakitaan din ng pagtaas sa positivity rate ang Bataan (20.2%), Batangas (33.7%), Benguet (20.3%), Bulacan (25.2%), Camarines Sur (46.5%), Cavite (36.9%), Isabela (36.5%), Laguna (29.9%), Oriental Mindoro (29.5%), Pampanga (24.8%), Quezon (42.7%) at Rizal (44.4%).
Samantala, nakapagtala rin ng mataas na positivity rates ang mga lalawigan sa Visayas at Mindanao.
Aklan ang may pinakamataas na positivity rate na pumalo sa 56.9% na sinundan ng Leyte na nakapagtala ng 21.0%.
Weng dela Fuente