Covid tests sa 11 milyong residente sa Wuhan, kumpleto na
BEIJING, China (AFP) – Inanunsyo ng mga awtoridad sa syudad ng Wuhan, na nakumpleto na ang citywide testing ng higit 11 milyong katao para sa COVID-19, matapos ang muling pagkakaroon ng mga kaso higit isang taon makaraan unang lumutang ang virus sa lungsod.
Ayon kay Wuhan senior official Li Tao . . . “The tests provide basically full coverage of all residents in the city, except for children under the age of six and students on their summer break.”
Noong Sabado, ang lungsod ay nakapagtala ng 37 locally transmitted COVID-19 cases at may nasumpungang 41 local asymptomatic carriers sa pinakahuling round ng mass testing.
Sinabi ng mga awtoridad, na agad nilang pinakilos ang higit 28 libong health workers sa halos 2,800 sites para sa testing campaign.
Agence France-Presse