COVID vaccine na matatanggap ng Pilipinas posibleng,umabot sa mahigit 200 milyon
Tinatayang aabot sa mahigit dalawandaang milyong bakuna laban sa COVID 19 ang matatanggap ng gobyerno ngayong taon.
Sa pagdinig ng Senate committee of the whole, sinabi ni Finance secretary Sonny Dominguez na itoy kung pagsasma samahin ang lahat ng bakuna na binili ng gobyerno, local government units, pribadong sektor at mga donasyon mula sa ibang bansa.
May sigurado na rin aniyang 150 million vaccine para sa may pitumpung milyong mga filipino.
Katunayan, ang mga bakunang ito ay mayroon nang binding term sheet at supply agreement.
Mahigit 89 million aniya rito popondohan mula sa foreign loan habang 15. 5 ang popondohan sa ilalim ng national budget.
Pero kakailanganin pa rin aniya ang 25 billion pesos na pondo para sa bakuna sa mga batang may edad na labindalawang gulang pataas.
Bukod pa rito ang 60 billion na kailanganin sakaling ipag utos ng mga health experts ang pagbili ng booster shot para sa may 85 milyong mga Filipino.
Pero ang pondo para sa booster shot ay maari nang ipaloob sa panukalang 2022 national budget.
Meanne Corvera