CPP/NPA dapat maging sinsero kung gustong matuloy ang peace talks ayon sa Malakanyang
Kung gusto ng Communist Party of the Philippines New Peoples Army o CPP/NPA na matuloy ang peace talks dapat magpakita ng sinseridad sa gobyerno.
Ito ang naging pahayag ng Malakanyang matapos tumanggi ang mga komunista sa usapang pangkapayapaan kung ito ay gagawin sa Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo hindi na dapat maging mahalaga pa ang lugar na pagdarausan ng peace talks dahil ang mahalaga ay ang sinseridad ng dalawang panig.
Magugunitang kinansela ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace negotitations sa pagitan ng pamahalaan at mga komunista dalawang taon na ang nakakalipas matapos atakihin ng rebeldeng grupo ang pwersa ng pamahalaan.
Noong nakaraang linggo naman ay inohayag ng Pangulo na ipapadala niya si Labor Secretary Silvestre Bello III sa Netherlands para makausap si CPP founding chairman Jose Maria Sison para sa umanoy last card sa pagtuldok ng limang-dekadang rebilyon ng mga makakaliwang grupo.
Idinagdag ni Panelo na handang hilingin ng gobyerno sa Korte na isuspendi ang arrest warrant kay Sison at bibigyan ng safe conduct pass kung uuwi sa Pilipinas para ituloy ang usapang pangkapayapaan.
Ulat ni Vic Somintac