CPP-NPA Founding chairman Joma Sison, binuweltahan ng Malakanyang sa pagpapakalat ng balitang nasa Comatose status si Pangulong Duterte

Mariing itinanggi ng Malakanyang ang balitang ipinakalat ni Communist Party of the Philippines New Peoples Army o CPP-NPA founding Chairman Jose Maria Sison na nasa comatose status si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na isang malaking kasinungalingan ang alegasyon ni Sison.

Ayon kay Roque malakas at malusog ang Pangulo kahit noong dumalo ito sa event ng kanyang fraternity na Lex Tallionis noong linggo ng gabi sa Davao City.

Inihayag ni Roque na libelous ang pagpapakalat ni Sison ng kasinungalingan hinggil sa kalusugan ng Pangulo.

Umapila si Roque sa mga kalaban ng Pangulo na tigilan na ang pagpapakalat ng balitang mayroon itong malubhang sakit.

Kaugnay nito tinawag ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na baka nananaginip si Joma Sison dahil wala sa Coma ang Pangulo kundi nasa kama at nagpapahinga noong huli silang magkausap.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *