CPR at AED, may malaking maitutulong upang maisalba ang isang taong dumaranas ng Cardiac Arrest- Philippine Heart Association

 

Inilunsad ng Philippine Heart Association o PHA ang dalawang makabuluhang infomercials na tinawag na “gadgetaed.ph at “dear nanay” na dito ay ipinakikita ang kahalagahan ng automated external defibrillator o aed at pagkakaroon ng kaalaman sa cardiopulmonary resuscitation o cpr upang maisalba ang buhay ng isang pasyenteng dumaranas ng Cardiac arrest maging at biktima ng pagkalunod.

Ayon sa PHA at kay Ormoc city Mayor Richard Gomez na siyang endorser ng naturang gadget, ang kaalaman sa pagsasagawa ng CPR  at paggamit ng AED ay may malaking maitutulong sa pagliligtas ng buhay.

Ito ay dahil mahalaga umano na ma-stabilize muna ang pasyente lalo na kung hindi agad na madadala sa ospital at walang rescuer.

Mayor Richard Gomez:

“Knowing that Cardiovascular disease harsh the most common cause of death in the Philippines and world wide, it is only thy fitting that we equip ourselves with basic knowledge of Cardio Pulmonary Resuscitation and Automated External Defibrillator”.

Sa panig naman ng DOH, sinabi ni Director Gloria J. Balboa, ng Health Emergency Management Bureau o HEMB ng DOH na suportado nila ang adbokasiya ng pha na paigitingin pang lalo ang pagpapalaganap ng CPR at AED..

Dr. Gloria J. Balboa, DOH, HEMB:

“Really the CPR campaign is right input in educating and promoting not only the professionals but importantly the laymen, kasi it’s really very important as mentioned  if only all of us know how to perform CPR, we know that it can increase survival rate two times, specially pag nagka-cardiac arrest that is why we are fully supporting this”.

 

Ulat ni Belle Surara

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *