Crater ng Kilauea volcano sa Hawaii, bumigay na dahil sa patuloy na pag-aalburuto
Patuloy pa rin ang pag-aalburuto ng Kilauea volcano sa Hawaii.
Nagbabala ang United States Geological survey (USGS) na bumigay na ang crater ng nasabing bulkan.
Ito ay kasunod ng halos 40 pagyanig ang naranasan sa loob lamang ng isang oras.
Umabot sa magnitude 5.3 ang lakas ng lindol na naranasan sa lugar.
May bilis naman ng hanggang 15 miles per hour ang paglabas ng lava at ito ay pababa sa bilis na 2 to 5 miles per hour.
Magugunitang nagsimula ang Hawaii volcano eruption noong Mayo 3.
===============
Please follow and like us: