Creators, nililigawan ng YouTube para talunin ang kakumpetensiya

(FILES) In this file photo taken on June 28, 2013 a webcam is positioned in front of YouTube’s logo in Paris. YouTube said on September 29, 2021 it would remove videos that falsely claim approved vaccines are dangerous, as social networks seek to crack down on health misinformation around Covid-19 and other diseases. Video-sharing giant YouTube has already banned posts that spread false myths around coronavirus treatments, including ones that share inaccurate claims about Covid-19 vaccines shown to be safe.
AFP / LIONEL BONAVENTURE

Naglatag ang YouTube ng mga goal para ngayong 2022, na kinabibilangan ng pagpapadali sa buhay ng mga creator at pagpapalakas sa sikat nilang format na kakalaban sa TikTok.

Sinabi ng chief product officer na si Neal Mohan, na ang video-sharing platform ay namumuhunan sa short-form at live na video, kasama ang mga tool upang matulungan ang mga creator na kumita ng pera at gumawa ng bagong content.

Ayon kay Mohan . . . “YouTube creators are the heart and soul of the platform, and we want them to always be able to fulfill their most ambitious creative goals. To give them every opportunity possible, we’ll continue to invest across our multiple formats.”

Dagdag pa niya . . . “Short-form content like the video snippets that are a winning ingredient at TikTok are incredibly popular. YouTube’s take on the concept, called “Shorts,” has logged more than five trillion all-time views.”

Noong isang taon, sinimulan ng YouTube ang isang fund para bigyan ng reward ang mga lumilikha ng “popular content” sa Shorts, at naghahanap ng mga paraan para kumita ng pera ang creators gaya ng brand sponsorships, special chat forums o bigyan ng kakayahang bumili ang viewers ng direkta mula sa isang posted video clip.

Ang mga maiikling video, na karaniwang ginagawa gamit ang mga smartphone, ay maaaring hanggang 60 segundo, na may musika at komedya bilang mga sikat na tema.

Ang Meta na parent company ng Facebook at Instagram, ay may sariling spin na tinatawag na Reels.

Ayon pa kay Mohan, naging matagumpay din ang YouTube sa kanilang “Live” format, kung saan nagtriple ang oras na ginugugol ng users sa panonood nito araw-araw noong isang taon.

Aniya . . . “The video giant is planning to begin letting creators collaborate on live streams in real time. One of the biggest questions live streaming creators have is, ‘What do I talk about?’. The ability to go live together should hopefully open up streams to more casual conversation and interactions with other creators.”

Sinabi ni Mohan, na sinimulan na rin ng YouTube na subukang hayaan ang channel viewers na bumili ng gift memberships para sa iba na nanonood ng kaparehong stream.

Ayon pa sa kaniya . . . “In addition, YouTube is looking into incorporating new technologies such as blockchain and non-fungible tokens (NFTs) to potentially let creators sell verifiably unique videos, photos or art. There’s a lot to consider in making sure we approach these new technologies responsibly, but we think there’s incredible potential as well.”

Ang YouTube ay isang lumalagong contributor o nag-aambag ng kita sa Google, na ang malaking bahagi ng kinikita ay nagmumula sa online advertising.

Please follow and like us: