Crew ng barkong inatake ng Yemen rebels, inilikas na

The Iran-backed Huthis control much of impoverished Yemen / MOHAMMED HUWAIS / AFP

Inilikas na ang mga tripulante ng isang barko na inatake ng Huthi rebels ng Yemen.

Ang MV Tutor ay inabandona matapos itong tamaan ng isang sea drone sa Hodeida na hawak ng mga rebelde, na nagdulot ng malubhang pagbaha sa pinakahuling serye ng pag-atake ng mga Huthi.

Sinimulang gipitin ng ng mga rebeldeng suportado ng Iran ang mahalagang sea lane, ilang sandali makaraang magsimula ang Israel-Hamas war, sanhi upang maraming barko ang lumihis ng daan.

Sinabi ng United Kingdom Maritime Trade Operations (UKMTO) na pinatatakbo ng British navy, “The crew of the vessel has been evacuated by military authorities. The vessel has been abandoned and is drifting.”

Una nang nangako si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ng Pilipinas na tutulungan ang mga Pilipinong seaman na sakay ng barko at ilipat sila sa Djibouti, sa kabila ng Red Sea mula sa Yemen, sa tulong ng UKMTO.

Ayon kay Marcos, “We are doing everything that we can do.’

Sinabi ng Central Command ng US military, “The Liberian-flagged, Greek-owned and operated merchant ship was hit by a sea drone and an unknown aerial projectile.”

Ayon sa security firm na Ambrey, ito ang unang pagkakataon na inatake ng Huthis ang isang barko sa pamamagitan ng remote-controlled at water-borne explosives.

Ang nangyari ay isa sa serye ng mga pag-atake sa linggong ito, na sanhi upang lubhang masaktan ang isang marino na inilikas ng US forces mula sa MV Verbena sa Gulf of Aden.

Ayon sa Huthi rebels, ang kanilang pag-atake ay kasunod ng pinakahuling retaliatory strikes ng US at British forces noong nakaraang buwan na ikinamatay ng 16 katao, at nagbanta na paiigtingin pa nila ang kanilang mga aktibidad.

Nagbabala naman si United Nations special envoy Hans Grundberg, “If the parties continue the current escalatory trajectory, the question is not if but when the parties revert to escalation on the battlefield.”

Bukod sa mga pag-atake sa Red Sea, inaresto ng mga Huthi ngayong linggo ang higit sa isang dosenang aid workers, kabilang ang mga kawani ng UN, na inakusahan nilang bahagi ng isang “US-Israeli spy network.’

Pinabulaanan naman ni UN human rights chief Volker Turk ang aniya’y “outrageous allegations” at hiningi ang agad na pagpapalaya sa mga ito.

Matindi ring kinondena ng Australia, Canada, New Zealand, Britain at United States ang nangyari at hiningi ang “agaran at walang kondisyong pagpapalaya” sa aid workers, sa isang joint statement kung saan tinawag nila ang pag-atake na isang paghamak sa “international peace and security.”

Noong nakaraang linggo, sinabi ng dalawang military officials na hindi bababa sa 18 combatants ang namatay sa labanan sa pagitan ng Huthis at Yemeni government forces sa timog-kanlurang bahagi ng bansa.

Noong Marso, lumubog sa Red Sea ang Rubymar bulk carrier, na may karga na libu-libong tonelada ng fertiliser, pagkatapos na masira ang hull nito dahil sa Huthi missile strike.

Ang digmaan sa Yemen ay nag-iwan na ng daan-daang libong katao na namatay, sa pamamagitan ng labanan o hindi kaya ay ‘indirect causes’ gaya ng sakit o kakulangan ng pagkain, kung saan karamihan sa populasyon ay umaasa na lamang sa tulong.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *