Crime rate sa bansa, bumaba dahil sa War on Drugs ng pamahalaan- PNP Chief Albayalde
Napakalaki na ang pagbabago ng Peace and Order sa Pilipinas magmula nang simulan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang giyera kontra droga.
Sa panayam kay Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde, sinabi nito na nang siya ay pinuno pa ng NCRPO ay mabilis na bumaba ng antas ng Crimes on Properties ng halos 60 percent.
Bagamat aminado si Albayalde na malayo pa ang lalakbayin ng bansa para tuluyang masawata ang iligal na droga sa bansa, indikasyon naman aniya ito na nagwawagi ang War on Drugs ng Pamahalaan.
“Ang tanong natin bakit ito bumaba kung wala namang kinalaman ito sa iligal na droga. eh hindi naman natin ginagalaw ang mga ito dahil nagko-concentrate tayo sa illegal drugs and yet bumababa ng bumababa ang mga krimen na ito. So tama ung sinasabi ng ating Pangulo, na yung ibang mga krimen na nagyayari sa bansa ay related sa iligal na droga”.