Crossing mula sa Gaza Strip isasara ng Israel makaraan ang bagong rocket attacks

Crossing mula sa Gaza Strip isasara ng Israel makaraan ang bagong rocket attacks

Israeli jets struck the Gaza Strip in the early hours of April 21, hours after militants in the Palestinian enclave fired a rocket into the Jewish state BASHAR TALEB AFP/File

Inihayag ng Israel na isasara sa Linggo ang tanging tawiran nito mula sa Gaza Strip para sa mga manggagawa, bilang tugon sa magdamagang rocket fire.

Ang rocket attacks noong Biyernes ng gabi at Sabado ng umaga, ay kasunod ng ilang araw nang sagupaan sa Al-Aqsa mosque compound sa Jerusalem at isang buwan nang karahasan.

Ang kaguluhan — na nangyari habang ang Jewish festival ng Passover ay sumapaw sa fasting month ng Ramadan ng mga Muslim — ay nagdulot ng mga pandaigdig na pangamba ng pagkakaroon ng kaguluhan, isang taon pagkatapos ng katulad na karahasan na humantong sa 11-araw na digmaan sa pagitan ng Israel at mga militanteng nakabase sa Gaza.

Ayon sa isang pahayag ng COGAT, isang unit ng Israeli defence ministry na responsable para sa Palestinian civil affairs . . . “Following the rockets fired toward Israeli territory from the Gaza Strip last night, it was decided that crossings into Israel for Gazan merchants and workers through the Erez Crossing will not be permitted this upcoming Sunday.”

Dalawang rockets ang pinakawalan mula sa Gaza patungo sa southern Israel nitong Biyernes ng gabi, na ang isa ay tumama sa Jewish state habang ang isa naman ay tumama sa isang residential building sa northern Gaza, ayon sa Palestinian at Israeli sources.

Sinabi naman ng army, na nagpakawala pa ng ikatlong rocket Sabado ng umaga patungo sa Israel, na walang air raid sirens na pinatunog sa alinman sa mga pinakawalang rockets.

Ang nabanggit na rocket attacks ay kasunod ng pag-atake noong Miyerkoles at Huwebes, at nangyari habang nagsasagupa ang Israeli police at Palestinian protesters sa Al-Aqsa mosque, kung saan isang lalaking malubha ang kondisyon ang na-ospital,

Gumanti ang Israel sa mga pag-atakeng iyon sa pamamagitan ng mga air strike, ngunit sa isang maliwanag na pagnanais na pigilan ang karagdagang karahasan, isang mas matinding hakbang ang itinugon nito sa pamamagitan ng pagsasara sa Erez, na nagpapahiwatig na ang dagdag na rocket attacks ay magpapalawig sa pagsasara rito.

Ayon pa sa COGAT . . . “The re-opening of the crossing will be decided in accordance with a security situational assessment.”

Hamas supporters rally after Friday prayers in Jabalia in the northern Gaza Strip MOHAMMED ABED AFP

Ang Al-Aqsa ang ikatlong holiest site para sa Islam, at ang “most sacred” site sa Judaism kung saan kilala ito bilang Temple Mount.

Sa pamamagitan ng matagal nang kombensiyon, ang mga Hudyo ay pinahihintulutang bumisita sa ilalim ng ilang mga kundisyon ngunit hindi pinapayagang manalangin doon.

Mahigit 200 katao na karamihan ay mga Palestinian, ang nasaktan sa mga sagupaan sa loob at paligid ng Al-Aqsa nitong nakaraang linggo.

Ikinagalit ng mga Palestinian ang napakalaking deployment ng pulisya ng Israel doon, at ang paulit-ulit na pagbisita ng mga Hudyo sa Al-Aqsa.

Ang tumitinding kaguluhan ay ikinabahala ng United Nations, kaya’t noong Huwebes ay humiling ito ng imbestigasyon sa mga aksyon ng pulisya ng Israel.

Ayon kay Ravina Shamdasani, tagapagsalita para sa UN Office of the High Commissioner for Human Rights . . . “The use of force by Israeli police resulting in widespread injuries among worshippers and staff in and around the Al-Aqsa mosque compound must be promptly, impartially, independently and transparently investigated.”

Please follow and like us: