Crowdfunding platform inilunsad ni Zelensky para makatulong na maipanalo ang giyera
Inilunsad ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang isang global crowdfunding platform, para tulungan ang Kyiv na maipanalo ang giyera laban sa Russia at muling itayo ang imprastraktura ng bansa.
Sa isang video sa kaniyang Twitter page kaugnay ng paglulunsad sa United24 platform, sinabi ni Zelensky . . . “In one click, you can donate funds to protect our defenders, to save our civilians and to rebuild Ukraine. Every donation matters for victory.”
Sa loob ng siyam na linggong pag-atake ng Russia, ang mga lungsod sa Ukraine ay nakaranas ng malawak na pagkasira.
Ayon kay Zelensky . . . “All funds will be transferred to the national bank of Ukraine and allocated to the relevant ministries. My government would give an update ‘every 24 hours about how the money was being used.”
Nanawagan ang Ukrainian leader sa mga ordinaryong mamamayan sa buong mundo na tulungan ang Kyiv na talunin ang Moscow.
Aniya . . . “Only together we have the potential to stop the war and to rebuild what Russia has destroyed. Ukraine will always remember the contributions.”
Sa isa namang news conference ay sinabi ni Ukrainian Prime Minister Denys Shmygal, na ang paunang economic losses mula sa giyera ay tinatayang humigit-kumulang $600 billion, at malaking bahagi nito ay dapat mapunan ng salapi galing sa Russia.
Aniya, kailangan din ng Ukraine ng nasa pagitan ng $4 – $5 billion kada buwan para ipantakip sa budget deficit, banggit ang krisis sa kanilang grain exports kung saan anim sa pinakamalalaki nilang storage facilities ang tinamaan ng missiles.
Ayon kay Shmygal . . . “Russia is provoking a food security crisis. Now millions of tonnes of our grain are blocked in our ports,” at hinimok ang international community na i-pressure ang Russia “to organise corridors to transport grain to countries which badly need it”.
Ang Ukraine ay isang pangunahing global supplier ng mga butil (grain).
Simula nang mag-umpisa ang digmaan, ang Ukraine ay nagsikap nang magsagawa ng iba’t-ibang fundraising at noong una ay sinabing tumatanggap ito ng cryptocurrency donations at inilathala ang kanilang official donations address sa Twitter.
Pagkatapos nitong kalagitnaan ng Marso ay inilunsad nito ang isang “Aid for Ukraine” website ka-partner ang crypto-firms na FTX at Everstake, kung saan lahat ng mga donasyon ay napupunta sa central bank ng Ukraine.
Sa pag-aalok sa mga donor ng pagkakataong makapagbigay sa pamamagitan ng 10 cryptocurrencies, kabilang ang Bitcoin, ether, tether at dogecoin, ang kampanya ay agad na pumatok, kung saan nakasaad sa tweet ng kanilang official website noong March 19 na . . . “Over $60M contributed, with $10M donated in a few days!”
Ang Kyiv ay tumanggap ng Western military aid, subali’t ang kanilang army ay namamalaging higit na maliit kaysa Russia.
Halos araw-araw ay umaapela ang 44-anyos na si Zelensky sa mga parliyamento sa buong mundo, para sa suporta sa gitna ng pag-atake ng Moscow.