Curfew hours sa San Juan City, pinalawig dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19
Ibinalik ng San Juan City Government ang curfew hours sa lungsod na alas-10 ng gabi hanggang ala-5 ng umaga dahil sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.
Ito ay mula sa dating alas-12 ng hatinggabi hanggang alas- 5 ng umaga.
Sa executive order na inisyu ni Mayor Francis Zamora, sinabi na epektibo noong March 9 ang bagong city wide curfew hours.
Layon nito na mapigilan ang lalong pagdami ng bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Kabilang sa exempted sa curfew ang mga healthcare workers, government frontine personnel, delivery service, mga drivers na pinapayagang pumasada, mga galing sa duty na empleyado, at ang mga may emergency.
Ang mga lalabag ay maaaring sampahan ng mga kaukukalang reklamo.
Sa pinakahuling datos, umakyat sa 148 ang bilang ng aktibong COVID case sa San Juan.
Moira Encina