Customs Commissioner Faeldon, ipinatawag ni Pangulong Duterte sa Malacanang
Ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang ang kontrobersyal na si Customs Commissioner Nicanor Faeldon.
Una rito nalagay sa “hot seat” si Faeldon dahil sa pagkakapuslit ng P6.4 billion pesos na halaga ng shabu sa Bureau of Customs kung saan hinihiling ng ilang mambabatas ang kanyang pagbibitiw sa puwesto.
Napag-alamang ipinatawag din sa Malacañang sina Finance Sec. Carlos Dominguez, Budget Sec. Benjamin Diokno, Senador Franklin Drilon at Sen. Kiko Pangilinan.
Batay sa impormasyon sa Malacañang, ipinatawag ni Pangulong Duterte ang mga Senador para pag-usapan ang Comprehensive Tax Reform Package Bill ng administrasyon.
Ngayong araw ay walang inilabas ang Malacañang na official schedule ni Pangulong Duterte.
Samantala, bukas pangungunahan naman ng Pangulo ang 113th Founding Anniversary ng Bureau of Internal Revenue sa BIR National Office, Quezon City, at ang 26th Anniversary ng Bureau of Fire Protection sa Camp Aguinaldo.