Customs Commissioner Isidro Lapeña, hindi bababa sa puwesto

 

Ibinasura ni Customs commissioner Isidro Lapeña ang panawagang magbitiw na sa puwesto dahil sa isyu ng shabu smuggling sa Bureau of Customs (BOC).

Sa briefing sa Malakanyang, sinabi ni Lapeña taglay pa rin niya ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Lapeña mayroon siyang misyon na nais ipagawa si Pangulong Duterte sa BOC.

Inihayag ni Lapeña na binigyan siya ng Pangulo ng marching order na buwagin ang korapsyon at pataasin ang koleksyon ng buwis.

Niliwanag ni Commissioner Lapeña na ang kontrobersiya sa BOC sa shabu smuggling ay siya mismo ang nakadiskubre ng sindikato na kinabibilangan ng mga dating Police officials na sina Eduardo Acierto at Ismael Fajardo kasabwat ang Customs Intelligence officer na si Jimmy Guban.

Iginiit ni Lapeña na magpapatupad siya ng general revamp sa buong ahensiya upang mawala ang koneksyon ng sindikato ng iligal na droga sa BOC.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *