Customs Commissioner Rey Guerrero at iba pang opisyal ng kawanihan at Philippine International Trade Corp., ipinapa-contempt sa Korte
Ipinapacontempt ng nanalong bidder sa upgrading ng Customs system sa Korte sa Maynila sina Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero at iba pang opisyal ng BOC.
Ito ay dahil sa pagsuway sa Writ of Preliminary Injunction na inisyu ng Manila RTC Branch 47.
Bukod sa mga opisyal ng BOC, ipinapa-cite in contempt din ng joint venture ng Omniprime Marketing at Intrasoft International ang Philippine International Trade Corporation o PITC at ang kontraktor na Webb Fotaine Group FZ-LLC.
Una nang naghain ang joint venture ng Petition for Certiorari at Prohibition noong 2015 laban sa BOC na pinamumunuan dati ni Commissioner Albert Lina at sa DBM- Procurement service at sa pinuno nito noon na si Atty Jose Tomas Syquia.
Bunsod ito ng walang basehang kanselasyon ng public bidding sa phase 2 ng Integrated Customs Systems project.
Matapos ang ilang pagdinig, nagpalabas ang hukuman ng Writ of Preliminary Injunction laban sa pagpapatigil ng bidding at pagsasagawa ng iba pang procurement o negosasyon at pagutos ng pagpapatuloy ng paglagda sa kontrata at pagisyu ng Notice to Proceed sa Joint venture.
Kinatigan ng Korte Suprema ang kautusan ng Manila RTC matapos na kwestyunin ng BOC at DBM.
Sinabi pa ng petitioner na bagamat may utos ang Korte na idisclose sa kanila ang development ng proyekto ay tikom ang bibig dito ng BOC.
Nabatid pa ng joint venture sa imbestigasyon nito na nagsabwatan ang ilang opisyal ng BOC, PITC at ang bidder na Webb Fontaine para suwayin ang injunction order at igawad noong Mayo ang kontrata sa maintenance and support of electronic-to-mobile application sa Webb Fontaine
Dapat anila ang sistema ay napalitan noon pang 2015 ng Intrasoft na tunay na nanalong bidder.
Ulat ni Moira Encina