Cyber propagandist ng Maute group natukoy na ng DICT ayon sa Malakanyang

salalima

Courtesy of Wikipedia.org

 download
courtesy of wikipedia.org

Kinumpirma ni  Department of Information and Communications Technology o DICT Secretary Rodolfo Salalima na natukoy na nila ang cyber propagandist ng teroristang Maute group.

Sinabi ni Secretary Salalima sa press briefing sa Malakanyang may aarestuhin na sila sa kasong cyber sedition.

Ayon kay Salalima ang suspek na hindi ibinulgar ang pangalan ay may kaugnayan sa Marawi siege kung saan ginamit ang social media sa pagpapakalat ng mga propaganda at manghikayat ng pagsama sa rebelyong sinimulan ng ISIS-Maute.

Inihayag ni Salalima mahigpit nilang sinubaybayan ang mga social media posting kaugnay sa Marawi siege hanggang matukoy ang aarestuhing suspek.

Una ng hiniling ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang pagtanggal sa 60 social media accounts na ginagamit sa pagpapakalat ng propaganda ng mga terorista.

Kabilang dito ang video ng paring dinukot ng Maute kung saan nagmamakaawa itong itigil ang military operations sa Marawi City para sa kanilang kaligtasan.

Ulat ni: Vic Somintac

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *