Cybercrime offices ng PNP at NBI magtutulungan sa imbestigasyon sa mga kumpanya na nagbebenta ng mga pekeng resibo
May testigo ang pamahalaan laban sa “ghost corporations” na nagbebenta at gumagawa ng mga pekeng resibo para makatakas sa pagbabayad ng buwis.
Ito ang inihayag ni Justice Secretary Crispin Remulla kasunod ng paghahain ng BIR sa DOJ ng mahigit P25 billion tax evasion complaint laban sa mga nasabing kumpanya.
Sinabi ni Remulla na magsasama ang NBI Cybercrime Division at PNP Cybercrime Office sa pagkalap ng mga ebidensya.
Isa aniyang malaking forensic effort ang gagawin ng gobyerno sa naturang organized crime.
Kumbinsido si Remulla na malaking sindikato ang nasa likod ng mga kumpanya na gumagawa at nagbebenta ng fake receipts.
Umapela naman ang kalihim sa publiko na huwag bumili ng pekeng resibo dahil ito ay ipinagbabawal sa batas.
Moira Encina