Cyclone, nag-iwan ng 13 patay sa Brazil
Hindi bababa sa 13 katao ang nasawi habang libu-libong iba pa ang napilitang lumikas mula sa kanilang tahanan, bunsod ng pananalasa ng isang cyclone sa southern Brazil.
Dumanas ng pinsala ang dose-dosenang mga bayan sa estado ng Rio Grande do Sul, maging sa kabisera nitong Porto Alegre dahil sa malakas na mga pag-ulan at hangin, sa pinakabagong magkakasunod na sakunang dala ng masamang lagay ng panahon na tumama sa pinakamalaking bansa sa South America.
Ayon sa state civil defense agency, dalawang bangkay pa ang nadiskubre sa coastal town ng Caraa, na isa sa pinakagrabeng tinamaan, kayat umakyat na sa 13 ang bilang ng mga namatay.
May tatlo pang nawawala sa Caraa hanggang nitong Linggo.
Matindi ring tinamaan ang bayan ng Tramandai, kung saan nakapagtala ng windspeeds na hanggang 101.9 kilometro (60 milya) bawat oras, ayon sa official figures.
Ayon sa local media, kabilang sa mga namatay ang isang apat na buwang gulang na sanggol.
Kuwento ng isang babae mula sa bayan ng Sao Leopoldo na hindi nagbigay ng pangalan, “The water came up to our waist inside the house. Thank God, the firemen arrived quickly and got us out on boats. It seemed like a nightmare.”
Ang iba ay inilikas sa pamamagitan ng helicopter.
Halos 5,000 katao naman ang napinsala ang mga bahay, at humigit-kumulang sa 84,000 ang nawalan ng suplay ng kuryente. Una na ring inilikas ng mga awtoridad ang nasa 80 katao mula sa high-risk areas.
Binisita ni Rio Grande do Sul Governor Eduardo Leite ang mga lugar na pinakamatinding napinsala, kasama ng rescue at government officials.
Sa Caraa, binisita ng gobernador ang isang community center na ginamit upang masilungan ng daan-daang katao na ang mga bahay ay sinira ng bagyo.
“The situation in Caraa worries us deeply. It is essential that we can, in an integrated manner, quickly map the main affected areas and identify the people who need support,” pahayag ng gobernador.
Aniya, naisalba ng state firefighters ang nasa 2,400 katao sa nakalipas na dalawang araw.
Ayon pa kay Leite, “Our main objective at this moment is to protect and save human lives. Rescue people who are isolated, locate the missing and support families.”
Kuwento naman ni Porto Alegre Mayor Ary Jose Vanazzi, “In Sao Leopoldo, half an hour from Porto Alegre, 246 mm (9.7 inches) of rain fell in 18 hours, ‘a level never seen before in the history’ of the city of 240,000 inhabitants.”
Hanggang nitong Linggo, ay baha pa rin ang mga kalsada sa mga bayan ng Novo Hamburgo, Lindolfo Collor at Sao Leopoldo.
Nang tumigil ang mga pag-ulan ay nagawa nang maipagpatuloy ng mga sundalo ang kanilang rescue operations sa Novo Hamburgo.
Inaasahan namang magpapatuloy pa ang mga pag-ulan at malamig na temperatura sa kalagitnaan ng susunod na linggo, na higit pang magpapalala sa sitwasyon ng mga naapektuhan ng bagyo.
Ang Brazil ay tinamaan ng serye ng mga nakamamatay na sakuna nitong nakalipas na mga taon, na ayon sa ga eksperto ay pinalala ng pagbabago ng klima o climate change.
Noong Pebrero, hindi bababa sa 65 katao ang namatay nang magdulot ng mga pagbaha at landslides ang grabeng buhos ng ulan sa southeastern state ng Sao Paulo.