Cyclone sa Bangladesh, isa sa pinakamatagal na kanilang naranasan
Sinabi ng weather experts sa Bangladesh, na ang “deadly cyclone” na nagdulot ng maraming pinsala ay isa sa pinakamabilis na nabuo at pinakamatagal na naranasan ng bansa, at isinisisi nila ito sa climate change.
Ang bagyong Remal, na nag-landfall sa Bangladesh at katabi nitong India noong Linggo ng gabi na may malalakas na hangin at mga alon, ay nag-iwan ng hindi bababa sa 21 kataong patay, nagwasak ng libu-libong tahanan, mga seawall at nagpabaha sa mga lungsod ng dalawang bansa.
Sinabi ni Azizur Rahman, direktor ng state-run Bangladesh Meteorological Department, “In terms of its land duration, it is one of the longest in the country’s history, it had battered the country for more than 36 hours.”
Ang Bagyong Aila naman na humampas sa Bangladesh noong 2009, ay tumagal nang humigit-kumulang 34 na oras.
Ang mga bagyo ay pumatay na ng daan-daang libong tao sa Bangladesh sa nakalipas na mga dekada, at ang bilang ng mga superstorm na tumama sa makapal na populasyon sa baybayin nito ay tumaas nang husto, mula sa isa kada taon hanggang sa halos ay tatlo, dahil sa epekto ng pagbabago ng klima.
Ang mabagal na kilos nito na nangangahulugan ng mas matagal na mga bagyo, ay nagdudulot ng mas malaking pinsala.
Ayon kay Rahman, “The cyclone triggered massive rains, with some cities receiving at least 200 millimetres (7.9 inches). It formed more quickly than almost all the cyclones we have monitored in recent decades.”
Aniya, “Of course, quick cyclone formation and the long duration of cyclones are due to the impact of climate change. It took three days for it to turn into a severe cyclone from low pressure in the Bay of Bengal… I’ve never seen a cyclone formed from a low pressure in such a quick time.”
Dagdag pa ni Rahman, “Usually, a cyclone is formed in the south and southwest of the Bay of Bengal, then takes seven to eight days to turn into a severe cyclone.”
Subalit bagama’t sinasabi ng mga siyentipiko na ang pagbabago ng klima ay nagpaparami ng mga bagyo, ang mas mahusay na pagtaya at mas epektibong pagpaplano sa paglikas ay kapansin-pansing nakapagpabawas ng malaki sa bilang ng mga namamatay.
Sa Bangladesh, ang Cyclone Remal ay ikinamatay ng hindi bababa sa 15 katao, kabilang ang 12 na iniulat ni Kamrul Hasan, ang disaster management secretary ng bansa.
Ang ilan ay nalunod. Ang iba ay natabunan nang bumagsak nilang bahay o nabagsakan ng nabunot na mga puno dahil sa lakas ng hangin.
Ngayong Martes, iniulat ni police inspector Bacchu Mia na may tatlo pang namatay sa Dhaka, kabisera ng Bangladesh, nang mahawakan nila ang live wires ng kuryente na nalaglag sa kalsada sa kasagsagan ng pagtama ng bagyo.
Sa India naman ay anim katao ang namatay, ayon sa West Bengal state officials.