Czechs naglunsad ng border checks matapos ang naganap na pag-atake sa Vienna
Sinimulan na ng Czech police ang pagsasagawa ng random checks sa border nila sa Austria, kasunod ng nangyaring pag-atake kahapon, Lunes, Nov. 2 malapit sa isang sinagoga sa Vienna na ikinasawi ng dalawa katao, habang may ilan ding nasaktan.
Ayon sa tweet ng pulisya, nagsasagawa na sila ng random checks sa mga sasakyan at mga pasahero sa border crossings ng Czech at Austria, bilang preventive measure kaugnay ng terror attack sa Vienna.
Dagdag pa ng pulisya, pinaigting din nila ang pamamahala sa major Jewish facilities sa Czech Republic.
Sinabi ni Czech Interior Minister Jan Hamacek, na nakikipag-ugnayan na rin ang Czech police sa kanilang Austrian counterparts, kasunod ng pag-atake.
Sa kaniyang tweet ay ipinaabot ni Czech Prime Minister Andrej Babis ang pakikiramay sa mga naapektuhan ng terror attack malapit sa Stadttempel synagogue.
© Agence France-Presse