DA magkakaloob ng tone- toneladang gulay sa ibat-ibang Community Pantry sa Metro Manila
Apat na toneladang ibat-ibang uri ng gulay ang ipagkakaloob ng Department of Agriculture (DA) sa ibat ibang pantries sa Metro Manila.
Ayon sa ahensya, nakikiisa sila sa mga nakatatag na Community pantries sa Metro Manila kung kaya kahit sa maliit na paraan ay makabahagi sila sa nasabing programang makatutulong lalong lalo na sa mga tunay na nangangailangan.
Sa pangunguna ng programang Kadiwa ni Ani at Kita ng Kagawaran ng Pagsasaka, sila ay nagdala ng mga gulay sa Maginhawa Community Pantry sa Quezon City.
Mismong ang ina ni Ana Patricia Non na si Zena Bernardo ang tumanggap ng isang truck ng mga gulay.
Kaugnay nito, nakisuyo na rin sa D.A si Mrs. Bernardo na kung maaari ay matulungan na rin silang makapamili ng gulay nang direkta sa mga magsasaka upang matulungan na rin nila ang mga vegetable farmer.
Sabi pa ng DA na walong toneladang gulay mula sa Ifugao ang ipagkakaloob sa Maginhawa Community Pantry sa QC at iba pang pantries sa NCR.
Belle Surara