DA, pinakikilos ng Malakanyang para resolbahin ang problema ng sa bigas sa bansa
Umaasa ang Malakanyang na gumagawa na si Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar para resolbahin ang ilang problema sa palay partikular na ang rice sufficiency isyu.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo ang naturang suliranin ay matagal na umanong problema ng bansa at sinusubukan umanong lutasin ng kasalukuyang administrasyon.
Ginawa ni Panelo ang pahayag kasunod ng lumabas na ulat ng US Department of Agriculture kung saan nahigitan ng Pilipinas ang China pagdating sa rice imporation.
Batay sa datus ng US DA nakapag-import umano ang bansa ng 3-million metric tons ng bigas ngayong 2019 na mas mataas sa 2.5-million metric tons na inangkat ng China.
Naniniwala naman si Panelo na nagkukulang sa produksyon ng bigas ang bansa dahil sa kawalan ng maayos na irigasyon.
Umaasa din ang Palasyo na mag-iimplementa si Agriculture Secretary Dar ng mga measures na kayang magparami sa napo-prodyus na bigas ng bansa.
Ulat ni Vic Somintac