DA, tiniyak na hindi kakapusin ng bigas ang Pilipinas

Nanawagan sa publiko ang Department of Agriculture o DA na huwag mag-panic dahil sapat ang suplay ng bigas sa bansa.

Paliwanag ni Agriculture secretary Manny Piñol, nagkaroon ng kakulangan sa suplay ng bigas sa National Food Authority o NFA pero hindi nangangahulugang apektado dito ang kabuuan ng suplay ng bigas sa merkado.

Sinisi rin ni Piñol ang mga maling ulat ng media na ang suplay ng bigas sa kabuuang ng bansa ang kinakapos sa kasalukuyan.

Mayroon umanong buffer stock ng mga bigas sa mga commercial warehouses na tatagal ng 88 araw.

Hindi umano dapat ipagkamali na ang suplay ng bigas ng bansa ay nakadepende lamang sa buffer stock ng NFA.

 

===  end  ===

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *