Dagdag-bawas sa oil products asahan sa susunod na linggo
Asahan ang muling dagdag-bawas sa produktong petrolyo bago matapos ang buwan ng Mayo.
Sa pagtaya ni Director Rino Abad ng Oil Industry Management Bureau (OIMB) ng Department of Energy (DOE), aabot sa P1 hanggang P1.30 ang maaaring dagdag presyo sa kada litro ng gasolina.
Habang batay sa galaw ng kalakalan sa world market, tinatayang hindi gumalaw o may katiting na rollback naman sa presyo ng diesel at kerosene o gaas.
Sinabi ni Abad na hanggang P0.10 ang maaaring rollback sa kada litro ng diesel at hanggang P0.50 naman sa kerosene o gaas.
Malalaman ang pinal na dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo lunes.
Ang pagtaya sa mixed price adjustment ay batay pa rin sa dikta ng pandaigdigang merkado.