Dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo, epektibo na
Nagpatupad na ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.
Sa abiso ng Total, Petron, Eastern Petroleum, Unioil, PTT, Seaoil, Phoenix, Shell, at Jetti,₵40 centavos ang rollback sa presyo ng kanilang Gasolina simula kaninang alas-6:00 ng umaga.
Gayunman, nagpatupad naman ng dagdag na ₵35 centavos sa presyo ng kada litro ng Diesel.
Nagtaas rin ng ₵30 centavos ang presyo ng kada litro ng Kerosene ng mga kumpanyang Petron, Seaoil at Shell.
Parehong presyo rin ang ibinaba at itinaas ng kumpanyang Flying V sa kanilang mga presyo.
Samantala, mas maaga silang nagpatupad ng price hike kanina pang hatinggabi.