Dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo, ipatutupad ngayong linggo
Muling magpapatupad ang mga oil company ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo.
Ayon sa mga energy sources, magkakaroon ng rollback sa presyo ng Gasolina at Diesel.
Maglalaro sa ₵55 hanggang ₵65 ang bawas sa kada litro ng Gasolina habang ₵10 hanggang ₵15 naman sa Diesel.
Pero may umento naman sa kada litro ng Kerosene na aabot sa ₵15 hanggang ₵20.
Karaniwang ipinatutupad ang oil price adjustment tuwing Martes.
Please follow and like us: