Dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo, ipatutupad sa mga susunod na araw
Asahang muli ang paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggong ito.
Batay sa fuel forecast ng Unioil Petroleum Philippines mula May 31 hanggang June 6, 2022 trading week magkakaroon ng dagdag-bawas sa presyo ng langis.
Maaaring maragdagan ng P1.00 hanggang P1.20 ang presyo ng kada litro ng diesel habang inaasahang matatapyasan naman ng P1.50 hanggang P1.60 ang presyo ng kada litro ng gasolina.
Karaniwan nang inaanunsiyo ang pagbabago sa presyo tuwing Lunes at ipinatutupad naman ng Martes.
Matatandaang noong nakalipas na linggo ay nagpatupad na rin ng dagdag-bawas sa presyo ng langis kung saan tumaas ng P3.95 ang presyo ng kada litro ng gasolina habang nabawasan naman ng P2.30 ang presyo ng kada litro ng diesel.