Dagdag na 769K Pfizer COVID vaccines, ibinigay ng US sa Pilipinas
Karagdagang 769,860 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines ang natanggap ng Pilipinas mula sa US.
Sa kabuuan ay umaabot na sa 29.3 milyong doses ng bakuna kontra COVID ang naibigay ng US sa Pilipinas.
Ayon sa US Embassy, ang mga bakuna ay bahagi ng 1.2 billion COVID vaccine doses na donasyon ng Amerika sa low- at middle-income na mga bansa sa pamamagitan ng COVAX.
Si U.S. Embassy in the Philippines Chargé d’Affaires ad interim Heather Variava kasama ang iba pang opisyal ng gobyerno ng Pilipinas ang tumanggap ng pinakahuling vaccine shipment sa NAIA.
Moira Encina
Please follow and like us: