Dagdag na ebidensya vs Teves isinumite ng CIDG sa DOJ
Nagharap ng karagdagang ebidensya ang Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions laban kay Negros Oriental Congressman Arnolfo Teves Jr.
Isinumite ng CIDG ang karagdagang ebidensya sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) prosecutors sa reklamong iniharap sa kongresista.
Ang reklamo ay nag-ugat sa mga nasamsam na mga armas sa isinagawang raid ng mga otoridad sa bahay ni Teves sa Bayawan City.
Hindi naman tinukoy ng CIDG kung anu-anong ebidensya ang kanilang isinumite sa piskalya.
Itinakda ng prosekusyon ang susunod na pagdinig sa Abril 14 na pagsusumite rin ng kontra-salaysay ni Teves.
Pero sinabi ng mga abogado ni Teves na pag-aaralan pa nila kung sila ay maghahain pa ng counter- affidavit.
Moira Encina