Dagdag na hospital facilities ng Lung Center of the Philippines para sa COVID patients, inaasahang matatapos sa Agosto 9
Madaragdagan ng hospital beds ang Lung Center of the Philippines dahil sa inaasahang pagtatapos ng konstruksyon ng off-site health facilities para sa severe at critical COVID-19 patients.
Ayon sa DPWH, inihahanda na nito ang pag-turnover sa tatlong cluster units ng pasilidad sa compound ng Lung Center sa Agosto 9.
Maglalaman ng 66 hospital beds ang modular hospital units para sa posibleng surge ng kaso ng virus.
Sinabi ng DPWH na malapit na ring makumpleto ang dalawa pang cluster units na may 44 na kuwarto kung saan ang isang cluster unit ay gagawing ICU para sa mga pasyenteng nangangailangan ng complex treatment at mataas na level ng medical monitoring.
Magtatayo rin ang DPWH sa Lung Center compound ng 16-room off-site dormitory na may toilet at bath, at double-decker beds para sa 32 tao.
Ayon pa sa DPWH, ang pagsama sa konstruksyon ng dorm facility na may kusina at laundry area para sa off-duty hospital workers ay upang maging maayos ang lodging condition ng mga frontliners na haharap sa posibleng pagdami ng COVID cases.
Moira Encina