Dagdag na pension para sa mga Senior citizen, tinalakay na ng Senado
Tinalakay na ng Senado ang mga panukalang batas na itaas ang buwanang pension ng mga Senior citizens.
Sa mga nakapending na panukalang batas , isinusulong sa Kamara at Senado na doblehin o gawing P 1,000 ang social pension ng mga nakatatanda mula sa kasalukuyang P500.
Pero ang senior citizens sectoral representative ng National Anti Poverty Commission nais na gawing P1,500 ang buwanang social pension.
Sa pagdinig ng Senate Committee on social justice welfare and rural Development na pinamunuan ni Senador Joel Villanueva, iginiit ng NAPC na hindi sapat ang monthly pension para mabili ang maintenance medicine.
Nais rin nilang iupdate ang listahan ng mga Senior citizens ang masasakop ng Social Pension program.
Sa kasalukuyan aniyang datos mahigit 3 Million lang ang nakakatanggap ng pension samantalang aabot na sa 12 million ang Senior citizens.
Inirekomenda rin nilang gawing digital banking ang pamamahagi para hindi mauwi ang pera sa korapsyon.
Sa kanilang datos nitong 2021 aabot sa 23 Billion pesos ang hindi naipamahaging pension sa mga nakatatanda.
Meanne Corvera