Dagdag na proteksyon sa mga mamamahayag isinusulong
Isinusulong ni Senador Mark Villar ang dagdag na proteksiyon sa mga mamamahayag.
Kasunod ito ng panibagong kaso ng pagpatay sa DJ na si Juan Jumalon sa Misamis Occidental.
Sa inihaing panukala ni Villar , nais nitong bigyan ng insurance coverage tulad ng disability at death benefits ang mga mamamahayag.
Bukod pa rito ang reimbursement sakaling maospital dahil sa kanilang trabaho.
Ito’y bilang pagkilala sa ambag ng mga taga media lalo na sa pagbibigay ng impormasyon sa publiko.
Meanne Corvera
Please follow and like us: