Dagdag-pasahe ibinabala ng transport sector
Nagbanta ang mga transport group na hihirit ng dagdag-pasahe sakaling ituloy ang pagpapataw ng excise tax sa mga produktong petrolyo.
Base sa pagtataya ng grupo, isang daan at tatlumpung piso (₱130) ang inaasahang mawawala sa kita ng mga tsuper kung tataas ng higit sa tatlong piso ang idadagdag sa kada litro ng Diesel.
Kaugnay nito, sinabi ni Pasang Masda President Obet Martin na posibleng humirit sila na gawing nuebe o diyes pesos ang minimum fare sa jeepney.
Sinabi naman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na kinakailangan pang maghain ng petisyon ang mga transport group para sa hirit na dagdag pasahe.