Dagdag pasahe sa jeepney at bus ipinahihinto sa LTFRB

Inihain sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)  ang Motion for Reconsideration na nagpapahinto sa implementasyon ng fare hike sa mga pampublikong jeepney at bus.

Sa MR ng oppositor na si Arlis Acao na taga-Camarines Norte,  iginiit niyang  hindi makatarungan sa milyong-milyong Filipino na nagsasakripisyo na sa kahirapan dahil sa mataas na inflation rate ay sasabayan pa ng dagdag-pasahe.

Ipinunto nito na 25% sa mga commuter ay walang trabaho, senior citizens, mga estudyante, persons with disability o pwd.

Sinabi rin ni Acao na masakit para sa mga pasahero na lalo pa raw yayaman ang mga operator ng jeepney at bus, at lalong lalaki umano ang kita ng mga driver na kumikita na raw ng 1,000.00 piso kada araw.

 

==========

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *