Dahil sa budget crisis, Birmingham sa UK napilitang magtaas ng tax at magbawas ng serbisyo
Inaprubahan ng mga konsehal ng Birmingham, ang ikalawang pinakamalaking siyudad sa UK, ang dagdag buwis at pagbabawas sa public services kabilang ang arts funding at rubbish collection, upang maiwasan ang pagkabangkarote ng lungsod.
Bumoto ang city council, na kailangang makapagtipid ng £300 million ($380 million) sa loob ng dalawang taon upang maka-survive, na taasan ang services tax ng 9.99 percent kumpara noong isang taon. At binawasan din ang pagpopondo para sa mga library, cultural projects at mga parke.
Ang Birmingham ang pinakabagong UK council na nahihirapan na sa kanilang pananalapi, sa gitna ng pagtaas ng mga gastos para sa mga serbisyo tulad ng adult social care kasama ng mataas na inflation sa nakalipas na dalawang taon at mga kabawasan sa mga kita.
Sinisisi rin ng maraming mga konseho ang ilang taon nang kakulangan ng Conservative Government sa Westminter sa pagpopondo, na sinisisi naman ang maling palakad sa mga awtoridad na pinamamahalaan ng Labour opposition.
Ayon sa isang BBC research noong isang taon, ang 190 pinakamalalaking local authorities na tipikal na responsable para sa mga serbisyo mula sa pangongolekta ng basura at pagpapailaw sa lansangan, ay may sama-samang kakulangan sa budget na £5.2 billion ($6.6 billion).
Cuts in public services are expected for the council to balance its books
Ibinunyag ng Birmingham City Council noong Nobyembre na hindi mabalanse ang kanilang mga libro.
Sinisisi nito ang “matagal nang mga isyu” kabilang na ang roll-out ng isang bagong computer system para sa £87 million na kakulangan sa kanilang £3.2 billion annual budget.
Nag-trigger ito upang harangin ang lahat maliban ang mahahalagang services spending habang naghahanap ng paraan kung paano magbabawas ng humigit-kumulang £300 million para maka-survive.
Kabilang sa panukalang cost-savings ay gawin na lamang forthnightly ang rubbish collection simula sa 2025 sa halip na lingguhan, pagbebenta sa 11 community centers at pag-aalis sa lahat ng arts funding.
Binigyan ng permiso ng gobyerno ang konseho na taasan ang buwis ng pangunahing lokal na mga serbisyo ng 10 porsiyento ngayong taon at sa susunod na taon.
Ang dalawang set ng mga hakbang ay inaprubahan ng mga konsehal sa ginanap na pulong.
Nangyari ito isang araw makaraang aprubahan ng local counterparts nila sa Nottingham, sa East Midlands ng England, ang pagbabawas sa mga trabaho ng konseho at mga serbisyo upang subukang punan ang isang £53 million budget gap.
Idineklara naman ng Croydon Council sa south London ang kaniyang sarili na ‘effectively insolvent’ noong 2022 dahil sa isang £130 million black hole sa kanilang budget.
Ganito rin ang ginawa ng Thurrock Council sa Essex, silangan ng London, at Woking Borough Council, timog-kanluran ng kabisera, nang sumunod na mga buwan.
Ibinunyag ng Local Government Information Unit (LGIU), isang not-for-profit group, sa isang annual report noong nakaraang linggo, na isa sa sampung mga konseho ang nagsabi na malamang na ideklara nila ang kanilang sarili na namemeligro nang mabangkarote sa susunod na taon.
Ang bilang ay tumaas ng halos kalahati nang sumunod na limang taon, ayon sa tugon mula sa 128 mga konseho sa buong England.
Sa kaniyang isinulat na report ay sinabi ni LGIU chief executive Jonathan Carr-West, “This report, for the first time, demonstrates how widespread councils’ desperate funding situation is. That there is a structural funding issue is now impossible to deny.”
Kaugnay nito ay hinimok niya ang pagkakaroon ng reporma kung paano pinopondohan ang mga lokal na awtoridad.