Dahil sa mataas na bilang ng overworked na Pinoy, labor laws ipinarerebisa sa Senado

Ipinarerebisa ni Senadora Grace Poe ang labor laws dahil sa tumataas na bilang ng mga pinoy na overworked o sobra sobra sa trabaho.

Sa Senate Resolution 316 na inihain ni Poe, hiniling nito na imbestigahan kung makatao pa at sumusunod sa batas ang mga kumpanya sa tamang work conditions.

Nakakabahala aniya ang datos ng Philippine Statistics Authority kung saan nakapagtala ng 8.105 million na overworked na mga mangagawang pinoy noong 2015.

Mataas ito ng 41.2 percent sa dating 5.7 million na pinoy na naitala noong 1995.

Nababahala ang senadora dahil batay sa pag-aaral, ang sobra sobrang pagtatrabaho ay nagdudulot ng matinding stress at problema sa kalusugan.

“Several studies have shown that excessive work hours could trigger serious health problems and even cause death. Chronic overworking, as various research suggest, can lead to threatening levels of stress”.- Sen. Poe

Ikinukonsidera na overworked ang isang empleado na nagtrabaho ng mahigit 48 oras sa isang linggo.

Ulat ni : Mean Corvera

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *