Daily Covid-19 cases sa bansa, posibleng umabot ng higit 1,000 sa katapusan ng Hunyo – DOH
Posibleng umabot sa 800 hanggang 1,200 ang mga bago at daily cases ng Covid-19 sa bansa pagsapit ng katapusan ng Hunyo.
Ito ang ipinahayag ng Department of Health kung magtutuluy-tuloy ang pagtaas ng mga kaso sa bansa.
Pero nilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi naman ito maituturing na surge o biglaang pagtaas sa mga kaso kaya hindi dapat mangamba.
Sa halip, ipinayo ni Vergeire sa publiko na manatiling sumusunod sa minimum public health standards gaya ng pagsusuot ng face mask, palagiang paghuhugas o pag-disinfect ng mga kamay at pagsunod sa physical distancing.
Ang babala aniya na ito ng ay upang magbigay ng kahandaan sa publiko at hindi upang magdulot ng panic.