Dalawa katao natagpuang patay malapit sa wildfire sa central Greek region
Dalawa katao ang natagpuang patay sa isang wildfire, na pinatindi pa ng malakas na hangin ang naglagablab malapit sa isang mabundok na lugar sa central Greek region ng Corinth.
Daan-daang pamatay-sunog, sa tulong ng siyam na aircraft, ang nagsikap na apulahin ang apoy na sumiklab nitong Linggo malapit sa seaside town ng Xylokastro ng Peloponnese peninsula, may 120 km (75 miles) kanluran ng Athens.
Residents watch flames rising from a wildfire burns next to the village of Kallithea, near Corinth, Greece, September 29, 2024. REUTERS/Vassilis Psomas/File Photo
Ang sunog ay nagtulak sa sapilitang paglikas ng mga naninirahan sa ilang villages.
Sinabi ni Greek police spokeswoman Constantina Dimoglidou, “The two recovered bodies were severely burnt and that laboratory tests were necessary for their identification.”
A firefighter tries to extinguish a wildfire burning next to the village of Kallithea, near Corinth, Greece, September 30, 2024. REUTERS/Vassilis Psomas
Ayon naman sa Greek Citizen’s Protection Ministry, na isang imbestigasyon ang inilunsad ng fire brigade.
Ngayong taon, ang Greece ay nakaranas ng pinakamainit na summer pagkatapos ng “record warmest” winter, na nag-iwan ng malaking lugar na hindi dumanas ng patak ng ulan.