Dalawa na ang patay sa wildfires sa Portugal
Nasa dalawa katao na ang namatay sa pananalasa ng wildfires sa central at northern Portugal na nagtulak sa mga awtoridad na ilikas ang mga naninirahan sa villages, isara ang mga lansangan at humingi ng tulong sa European Union na magdala ng dagdag pang water-bombing aircraft.
Photo: Screen grab from Reuters
Hindi bababa sa 15 wildfires ang pinagtutulungang apulahin ng mga bumbero, kung saan isa rito ay tumupok na rin ng mga bahay na nasa labas ng Albergaria-a-Velha.
Mahigit sa 800 mga bumbero ang nakikipaglaban sa sunog sa Albergaria-a-Velha, at sa tatlong iba na nasa northwestern Aveiro district.
Photo: Screen grab from Reuters
Samantala, isinara na ng pulisya ang mga lansangan, kasama na ang kahabaan ng isang main highway sa pagitan ng Lisbon at Porto, at inilikas ang mga residente sa ilang villages.