Dalawa pang Myanmar junta leaders, pinatawan ng sanctions ng US
WASHINGTON, United States (AFP) – Inanunsyo ng Estados Unidos na papatawan ng sanctions ang dalawa pang lider ng Myanmar junta, at nagbabalang gagawa pa ng dagdag na aksyon.
Ang anunsyo ay ginawa ilang oras makaraang aprubahan din ng European Union (EU) ang sanctions sa Myanmar military, at pinalakas ang international pressure kaugnay ng February 1 coup, kung saan pinabagsak ng mga heneral ang democratic leader na si Aung San Suu Kyi.
Ayon sa Estados Unidos, iba-block nito ang anumang pag-aari ng US at sinuspinde ang pagpasok sa bansa ng dalawang miyembro ng State Administrative Council na si General Maung Maung Kyaw, na namumuno sa air force, at Lieutenant General Moe Myint Tun.
Sinabi ni Secretary of State Antony Blinken gamit ang dating pangalan ng Myanmar . . . “We will not hesitate to take further action against those who perpetrate violence and suppress the will of the people. We will not waver in our support for the people of Burma. We call on the military and police to cease all attacks on peaceful protesters, immediately release all those unjustly detained, stop attacks on and intimidation of journalists and activists and restore the democratically elected government.”
Nagbabala naman ang junta na handa silang gumamit ng “lethal force” para pigilan ang lumalawak na malalaking demonstrasyon, matapos barilin at mapatay ang mga nagpo-protesta nitong nakalipas na weekend.
Ang Estados Unidos ay nagpataw na ng sanctions sa iba pang matataas na lider kabilang na si Senior General Min Aung Hlaing, ang hepe ng militar at bagong pinuno ng Myanmar.
© Agence France-Presse