Dalawa pang party-list groups, nakakuha ng TRO mula sa SC
Pinaboran ng Korte Suprema ang hiling na TRO ng dalawa pang party-list groups laban sa pagbasura ng COMELEC sa kanilang akre–di–tasyon.
Sa dalawang magkahiwalay na resolusyon ng Korte Suprema, kinatigan nito ang pagkuwestiyon ng APAT-DAPAT at UMA ILONGGO laban sa dismissal ng poll body sa kanilang registration bilang party-list group.
Ayon sa Supreme Court, nakitaan nito ng sapat na porma at substansya ang mga petisyon ng dalawang grupo.
Kaugnay nito, ipinatigil ng Korte Suprema ang implementasyon ng mga kautusan at resolusyon ng poll body na nagbabasura sa kanilang registration.
Inatasan din ng SC ang COMELEC na maghain ng komento sa mga petisyon sa loob ng 10 araw.
Una na ring nagisyu ang SC ng TRO laban sa pagdiskuwalipika ng COMELEC sa lima pang party-list groups.
Moira Encina