Dalawa punto apat na milyong pisong halaga ng marijuana bricks, nasabat sa Tarlac
Aabot sa 2.4 na milyong piso ang halaga ng marijuanang nakuha mula sa dalawang lalaki, matapos kumagat sa pain ng Phil. Drug Enforcement Agency Regional Office 3 (PDEA-RO3) at Tarlac Police Office.
Ang entrapment operation ay isinagawa sa Skyland Subd., Brgy. San Isidro, Tarlac City.
Sa ulat ni PDEA Tarlac provincial officer Joyiann Ivy Cedo kay PDEA RO3 Director III Christian O. Frivaldo, nakilala
ang mga suspect na sina
Julius Castro, 24 anyos, residente ng Brgy. Ligtasan, Tarlac City at
John David Tapar, 28 anyos, residente ng Brgy. San Sebastian, Tarlac City, Tarlac.
Hindi akalain ng mga suspek na lulan ng kanilang kotse habang nakikipag-transaksiyon, na mga operatiba na pala ang kanilang kausap.
Nakumpiska mula sa 2 ang dalawampung marijuana bricks, na tinatayang ang street value ay 2.4 million pesos, isang genuine 1,000.00 peso bill na ginamit na buy bust money, bundles ng boodle money, isang keypad style na cellular phone at ang kotseng gamit ng mga ito.
Ulat ni Godofredo Santiago