Dalawa sa 14 na kaso ng pagkamatay matapos maturukan ng Dengvaxia, posibleng dulot ng “vaccine failure”
Inilabas na ng Department of Health o DOH ang resulta ng imbestigasyon ng Philippine General Hospital o PGH dengue investigative task force sa 14 na kaso ng bata na namatay matapos maturukan ng Dengvaxia.
Ayon sa DOH, tatlo sa mga bata ay namatay dahil sa dengue kahit naturukan ng dengvaxia.
Dalawa sa mga ito ay posibleng nasawi dahil sa vaccine failure habang ang isa ay kailangan pa ng dagdag na pagsusuri ng tissue samples para makumpleto ang imbestigasyon.
Tatlo sa labing apat na kaso ng pagkamatay ay walang kinalaman sa dengvaxia o nagkataon lang na nabakunahan na nagkaroon ng malubhang sakit.
Habang dalawa sa 14 na kaso ay hindi tiyak dahil sa kulang ang impormasyon.
Anim sa kaso ng mga batang namatay sa ibang sakit ngunit nagkasakit at namatay tatlumpung araw matapos mabukunahan ay hindi sa dengue ang ikinamatay at walang tiyak na ebidensya na ito ay konektado sa dengvaxia.
Ang report ng PGH-DITF ay isusumite ng DOH sa DOJ para makatulong sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng NBI.
Ginamit ng PGH Task force ang WHO algorithm for casualty assessment of adverse events following immunization.
Ulat ni Moira Encina
=== end ===