Dalawa sa mga suspek sa pagpatay kay Cong. Batacobe, hawak na ng PNP
Hawak ng Philippine National Police (PNP) ang dalawa sa mga suspek sa pagpatay kay Ako Bicol partylist representative Rodel Batocabe at police escort nito na si SPO1 Rolando Diaz.
Sina Batocabe at Diaz ay kapwa nagtamo ng walong tama ng bala sa katawan.
Pasakay na si Batocabe sa sasakyan matapos mamigay ng regalo sa Daraga, Albay noong December 22 nang paulanan ng bala ng anim na suspek.
Ayon sa isang opisyal ng PNP na tumanging magpabanggit ng pangalan, ang dalawa ay itinuturing na ngayong testigo matapos magbigay ng kanilang impormasyon sa kaso.
Isa umano rito ang nagplano habang isa ang humanap ng gunman.
Pero ayaw pang kumpirmahin ng PNP ang report.
Gayunman, sinabi ni PNP spokesman Chief Supt. Benigno Durana na may persons of interest na sa kaso at sumasailalim na sila sa pagtatanong ng mga otoridad.
Supt. Benigno Durana:
“There are a lot of witnesses that came in and sila po ay iniimbestigahan ngayon interview sila ngayon lets see if out of this witness we can suspcts out of this witnesses on going ang investigation at this point in time we’re happy to report that sicguro may magandang balita na”.
Kung tutugma ang kanilang mga testimonya dito ibabatay kung sino sino ang masasampahan ng kaso.
Tumanggi muna syang magbigay ng iba pang detalye pero kinumpirma ni durana na positive development ito sa kaso ni Batocabe.
Naniniwala naman ang pamilya ni batocabe na malapit nang maresolba ang kaso.
Ulat ni Meanne Corvera
statement justin batocabe
(“i have received a briefing from the authorities and the case is proceeding positively and we are very close to solving the case of my father’s murder)
inamin ng anak ng kongresista na si justin na regular ang kanilang komunikasyon at nabigyan na sila ng briefing ng mga otoridad hinggil sa development ng kaso
sa ngayon hindi pa masabi ng pnp kung ang mga lumutang na testigo o suspek ang makakatanggap ng limampung milyong pisong ransom mula sa mga pangulo at mga mambabatas.