Dalawampung mga Pinoy na papunta sanang Africa, hinarang sa NAIA

Pinigil ng mga tauhan ng Bureau of Immigration na makaalis ang 20 Pinoy na hinihinalang biktima ng human trafficking na nagtangkang pumunta sa Africa gamit ang mga pekeng travel documents.

Ayon kay BI OIC Associate Commisioner at Port Operations Division Chief Marc Red Mariñas, hinarang ang mga Pinoy na lahat ay mga lalake sa NAIA Terminal 3 na pasakay sana ng Emirates Airways flight patungong Dubai.

Noong una ay sinabi ng mga Pinoy na sila ay ipinadala ng isang Malaysia-based company sa Sao Tame at Principe na isang maliit na isla sa Central Africa.

Pero nagduda na ang mga Immigration Officers sa layunin ng kanilang byahe nang mapansin nila na kwestyonable ang imbitasyon na ipinakita ng mga ito at hindi masabi ang dahilan ng kanilang pag-alis.

Kalaunan ay nabatid ng BI na sila ay magpupunta sa Sao Tame nang walang kaukulang proper documentation.

Inamin ng isa sa mga biktima na sila ay inalok ng malaking trabaho sa Sao Tame at sila ay pumayag dahil sa malaki ang sweldo.

Iniimbestigahan na ng Inter-Agency Council Against Trafficking ang kaso ng mga Pinoy.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *