Dalawamput pitong COVID-19 recoveries naitala sa San Jose Del Monte Bulacan
Nakapagtala ng 27 mga bagong gumaling mula sa COVID-19 ang San Jose Del Monte, Bulacan kaya umaabot na nayon sa kabuuang 2,325 o 72% ang bilang ng recoveries sa lungsod.
Samantala, may panibagong 28 kaso rin na naitala sa lunsod, kung saan pito rito ay mula sa Barangay Muzon , apat sa Baranggay San Roque at Sto. Cristo, tatlo sa Baranggay Kaybanban, dalawa sa Baranggay Citrus at tig isang kumpirmadong kaso ang mula sa Baranggay San Martin De Porres, Baranggay Kapypian, Baranggay Francisco Homes, Baranggay Dulong Bayan, Baranggay San Pedro, Baranggay Minuyan Proper, Baranggay Gaya gaya at Baranggay Sta.Cruz 4 . Sa kabuuan ay may 3,239 na ang naitalang naging kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Sa kasalukuyan ay 766 o 24% ang natitirang active cases, 615 dito ay mula sa District 1 at 151 naman sa District 2, habang 148 o 4% naman ang naitalang COVID-19 deaths sa lungsod.
Apat na barangay naman ang naideklarang no active cases, isa rito ay mula sa District 1 at tatlo naman sa District 2.
Ulat ni Gilian Elpa