Dalawang aksidente sa Quezon City, naitala sa nakalipas na magdamag
Dalawang aksidente sa kalsada ang naitala sa magkakahiwalay na lugar sa Quezon City sa nakalipas na magdamag.
Wasak ang harapan ng isang trak matapos salpukin nito ang nakahintong trak sa kahabaan ng Payatas road, Quezon City, mag-aalas-dose y medya kanilang madaling-araw.
Sa inisyal na imbestigasyon, uminom lamang ng tubig ang may-ari ng trak at binabaybay lamang nito ang kalsada nang mabulaga na mayroon pa lang trak na nakaparada itong masasalpok.
Mapalad namang hindi nasaktan ang truck driver na kinilalang si Robert Schwartz ganundin ang sakay nito na isa pa.
Todo tanggi naman ang driver na siya ay nakatulog kaya siya ay nabangga.
Ayon naman kay Marcelino Cordero, isang tanod, accident prone area umano ang lugar kaya madalas ay nagkakaroon ng aksidente dahil sa pakurbang daan.
Samantala, sa Mindanao avenue naman ay wasak din ang harapang bahagi ng isang kotse matapos salpukin ng rumaragasang trak, ala-una ng madaling araw kanina.
Ayon sa driver nitong si Kevin Gonzales, may bigla umanong sumalpok sa kaniyang kotse ngunit hindi na umano niya ito hinintuan para tingnan kung nasugatan ito.
Ayon kay Wilson Buyocan ng QCPD Traffic sector 1, maraming bystander sa lugar ang nakakita na sinalpok at sinagi ang kotse ng isang green na dump truck.
Tinangka pa umano nila itong habulin ngunit hindi na nila ito inabutan.
Patuloy naman ang paalala ng mga otoridad sa mga motorista na maging maingat sa kalsada lalo na kapag nagmamaneho ng gabi o madaling-araw.
Ulat ni Earlo Bringas
=== end ===
Please follow and like us: