Dalawang Asst. Secretaries, pinagbibitiw ni Pangulong Duterte dahil sa isyu ng katiwalian

Inanunsiyo ng Malacanang na dalawang Assistant Secretary ang pinagbibitiw ni Pangulong Rodrigo Duterte. 

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque kung hindi magbibitiw ay sisibakin ni Pangulong Duterte sina Assistant Secretary Moslemen Macarambon Sr. ng Department of Justice dahil sa kaugnayan nito sa smuggling ng ginto at iba pang alahas sa Ninoy Aquino International Airport. 

Pinagbibitiw din ni Pangulong Duterte si Department of Public Works and highways Assistant Secretary Tinganun Umpa dahil sa pag-abuso sa kapangyahiran sa pamamagitan ng pamomorsiyento nito sa mga contractors sa proyekto ng DPWH sa Mindanao. 

Ayon kay Roque ang dalawa ay Presidential appointees pero hindi na ito nagbigay pa ng iba pang detalye kaugnay sa kaso ng dalawa. 

Inihayag ni Roque sa ngayon ay aabot sa 400 kaso ang iniimbestigahan ng Presidential Anti-Corruption Commission na reklamo sa mga opisyal ng Pamahalaan na sinasabing umabuso sa kapangyarihan o sangkot sa katiwalian.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *